MENU

[๐‘ถ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ต๐’€๐‘ถ๐‘ต] ๐‘ฒ๐’–๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’Œ๐’Š๐’• ๐’”๐’Š ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚ ๐‘ช๐’๐’‚๐’“๐’‚ ๐’‚๐’š ๐‘ฏ๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’”๐’Š ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚ ๐‘ช๐’๐’‚๐’“๐’‚

๐‘ฑ๐’†๐’… ๐‘ด๐’Š๐’„๐’‰๐’‚๐’†๐’ ๐‘ญ๐’–๐’†๐’๐’•๐’†๐’”

Oo. Alam ko. Ang gulo ng pamagat. Sing gulo malamang sa isinaplot ng kasaysayan sa imahen ng isang babae. Makailang sinulat-binura-pinanday-giniba ang pamantayan ng pagiging babae sa isang arkepelagong tila wasak na salamin ng identidad. Kung may pinakanapinsala man sa sigwa ng kasaysayan, ito ay ang pagkatao ni Maria Clara. Matapos isulat ni Dr. Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere at maawa (o mamuhi) tayo sa katauhan ni Maria Clara, kasabay na ibinaon ni Rizal sa kaniyang libingan ang lihim ng paglikha niya ng karakter ni Maria Clara. Sino nga ba si Maria Clara? Isa nga ba siyang paraluman o isang karikatura?

Naging pambansang simbolo si Maria Clara sa isang estereotipong babaeng bakas ng pananakop ng mga Kastila โ€“ tahimik, maawain, salat sa katalinuhan, at di makabasag pinggan na sa sobrang kimi ay nilulumot na malamang ang singit at kilikili. Ngumingiting tila nakabotoks ang mukha sa halos di maunat-unat na pisngi, na sa awa ng Diyos ay tinatakpan pa ng abanikong pamaypay, isang babaeng dakila sa pagtitimpi na para bang isinilang na nakabusal ang bibig, isang Pilipinang pinaglihi malamang sa mga naanod na kahoy na nagpapatangay lang sa dausdos ng rumaragasang ilog. Nagngingitngit ang mga naninilaw kong ngipin sa tuwing naririnig ko ang mga katagang โ€para kang si Maria Claraโ€ o โ€œMaria Clara ka ghorl?โ€ bilang pagtukoy sa isang babaeng konserbatibo na ang tanging alam lang ay ang yumuko at tumango. Isumpa na ako ng mga naging guro ko sa Filipino, ngunit naniniwala akong ang ugat ng mababang pagturing sa pagkatao ni Maria Clara ay bunga ng mababang kalidad ng pagtuturo sa Filipino (hindi ko po nilalahat) higit lalo sa mga nobela ni Rizal.

๐๐š๐š๐ง๐จ ๐›๐š ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ข ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐‚๐ฅ๐š๐ซ๐šโ“

Lilinawin ko lang. Mali ang tanong. Hindi iniluwal si Maria Clara sa sinapupunan ng kung sinong mananakop. Hinubog siya. Nililok mula sa luwad ng pananampalatayang dayuhan. Binihisan. Binura ang sigla ng kaniyang katutubong katangian upang gawing manikang de susi. Alipin ng relihiyon, biktima ng patriarkal na sistemang panlipunan.

Sa panahon ng mga Kastila, ang katayuan ng kababaihan ay tila nakaukit na sa kanilang palad mula pagsilang hanggang sa araw ng kanilang kamatayan. Ang buhay ng isang babae ay nakatadhana na sa kaniyang matris, ang maging ina at asawa. Ipiniit ng lipunan ang kaniyang talampakan sa loob ng tahanan โ€“ ang mag-alaga, magpalaki ng anak, at aliping sunod-sunuran sa kabiyak. Binanggit ni Wright (2004) na ang buhay ng isang dalaga ay hinanda sa ganitong mga tungkulin. Aniya;

๐‘ซ๐’๐’Ž๐’†๐’”๐’•๐’Š๐’„ ๐’„๐’‰๐’๐’“๐’†๐’” ๐’๐’Š๐’Œ๐’† ๐’๐’†๐’†๐’…๐’๐’†๐’˜๐’๐’“๐’Œ ๐’‚๐’๐’… ๐’‰๐’๐’–๐’”๐’†๐’Œ๐’†๐’†๐’‘๐’Š๐’๐’ˆ, ๐’˜๐’‰๐’Š๐’„๐’‰ ๐’‚๐’“๐’† ๐’‚๐’Ž๐’๐’๐’ˆ ๐’•๐’‰๐’† ๐’‡๐’†๐’˜ ๐’‚๐’๐’๐’๐’˜๐’‚๐’ƒ๐’๐’† ๐’‚๐’„๐’•๐’Š๐’—๐’Š๐’•๐’Š๐’†๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐’…๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’‚, ๐’‚๐’“๐’† ๐’Š๐’๐’•๐’†๐’ˆ๐’“๐’‚๐’ ๐’•๐’ ๐’‰๐’†๐’“ ๐’–๐’‘๐’ƒ๐’“๐’Š๐’๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’†๐’„๐’‚๐’–๐’”๐’† ๐’•๐’‰๐’†๐’”๐’† ๐’•๐’‚๐’”๐’Œ๐’” ๐’‘๐’“๐’†๐’‘๐’‚๐’“๐’† ๐’‰๐’†๐’“ ๐’‡๐’๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐’“๐’†๐’”๐’‘๐’๐’๐’”๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’๐’Š๐’•๐’Š๐’†๐’” ๐’๐’‡ ๐’‚ ๐’˜๐’Š๐’‡๐’†, ๐’Ž๐’๐’•๐’‰๐’†๐’“, ๐’‚๐’๐’… ๐’‰๐’๐’Ž๐’†๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’†๐’“โ€ฆ(65)

Isinaad pa niya na ang isang Pilipina sa panahon ng mga Kastila ay hinubog na maging matakutin sa Diyos, mapagtiis, mayumi, mapagkumbaba, mabait, magalang, masipag, at banal. Ang mga ideyal na katangiang ito ay isang pagbabantayog kay Birheng Maria na ginawang pamantayan ng pangkasariang pambabae. Ang mga katangiang ito ay naging tanikalang gumapos sa karapatan ng kababaihan at nagdulot ng opresyong pangkasarian. Sa punto de bista ng feminist ethics, ang estereotipong virtue na itinakdang taglayin ng isang babae ay isang politikal na panghahamak sa kababaihan. Ito ay isang konstruksiyong panlipunan upang itakda ang kapalaran ng kababaihan sa subordinasiyon at opresiyon. Kaya hindi na kataka-taka kung bakit maging si Maria Clara at ang mga kapwa babaeng tauhan ng mga nobela ni Rizal ay hindi nakaligtas sa ganitong depiksiyon bilang salamin ng kalagayang panlipunan noong ika-19 na siglo.

Sa masuka na kayoโ€™t sa hindi, isang pari ang nagsulat ng nobelang nagsilbing rulebook kung paano maging babae sa ika-19 na siglo. Lalo nitong pinako ang kababaihan sa krus ng opresyon (bagaman may magagandang asal ding inilahad ang aklat na kailangang malaman ng kabataan sa kasalukuyan). Sinulat ni Padre Modesto de Castro ang nobelang Ang Pagsusulatan ng Dalawang Binibini na si Urbana at ni Feliza na unang inilimbag noong 1864. Sa pamagat pa lang, nahihinggil ito sa pagpapalitan ng liham ng dalawang magkapatid na sina Urbana at Feliza. Laman ng liham ang mga paalala kaugnay sa mga pamantayang moral na kailangang sundin ng kabataan. Multuhin na ako ni Padre Modesto, ngunit nagtiim ang mga bagang ko nang mabasa ang mga paalalang ito. Nalito tuloy ako kung maluluha ba ako sa tawa o sa awa:

โ€œHuwag tulutang mamintana palagi (ang mga babae), sapagkat, ang dalagang namimintana ay kaparis ng isang buwig ng ubas, na bibitin-bitin sa sanga sa tabi ng daan, na nag-aanyayang papitas sa sino mang makaibigโ€

โ€œKung magsuot ang isang babae ng barong na nanganganinag, walang tapapecho o panakip sa dibdib, ay nakasusuklam tingnanโ€ฆโ€

Iwasang lumakad nang magaslaw sa loob ng simbahan at takpan ang mukha. Huwag makipagngitian sa lalaking pumapasok (akin ang paghahawig).

โ€œAng babae ay huwag yumamang lubha sa lalaki (sa pag-aasawa), sapagkat, kung magkagayon, ang babae ay magiging lalaki at ang lalaki ay magiging babaeโ€ฆโ€

โ€œAng babae ay tahimik at matiisin โ€ฆ. Kung ang babae ay walang loob na timtiman, na ipagtitiis ng hirap, ay walang kaginhawaang kakamtan sa pag-aasawa.โ€

Ang ganitong depiksiyon ng kababaihan ay hindi na bago sa isang patriarkal na lipuanan. Ayon kay Reyes (1992), kalimitan sa mga panitikang sumibol sa isang patriarkal na lipunan ay may kaisipang ang mga babae ay parang kalikasan โ€“ natural, hindi maampat ang pag-agos, hindi palaisip โ€“ samantalang ang lalaki ay kultura rasyonal, intelektuwal, at hasang lumikha (126). Samakatuwid, kalimitang inilalarawan ang mga babae bilang sentimental, irasyonal, at lubhang mahina.

๐’๐ข๐ง๐š ๐”๐ซ๐›๐š๐ง๐š ๐š๐ญ ๐…๐ž๐ฅ๐ข๐ณ๐š ๐›๐š ๐š๐ฒ ๐ฌ๐ข ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐‚๐ฅ๐š๐ซ๐šโ“

Maraming kritiko ang nangahas na ituring ang katauhan ni Maria Clara bilang karikaturang imahen ng isang babaeng hindi angkop sa modernong panahon. Isa sa kritikong humamak sa katauhan ni Maria Clara ay si Salvador P. Lopez. Matalim ang patutsada niya sa dalaga bilang isang babaeng mahina at taksil na walang pinagkaiba sa mga babaeng nagsuplong sa lihim ng Katipunan. Aniya:

๐‘ณ๐’†๐’• ๐’–๐’” ๐’„๐’๐’๐’”๐’Š๐’…๐’†๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐’๐’“๐’Š๐’ˆ๐’Š๐’๐’‚๐’ ๐’Š๐’๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’๐’‡ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚ ๐‘ช๐’๐’‚๐’“๐’‚โ€ฆ.๐‘ฐ๐’• ๐’Š๐’” ๐’•๐’“๐’–๐’† ๐’•๐’‰๐’‚๐’• ๐’‰๐’† (๐‘น๐’Š๐’›๐’‚๐’) ๐’ˆ๐’Š๐’—๐’†๐’” ๐’‰๐’†๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐’—๐’Š๐’“๐’•๐’–๐’† ๐’๐’‡ ๐’Ž๐’๐’…๐’†๐’”๐’•๐’š ๐’‚๐’๐’… ๐’๐’๐’š๐’‚๐’๐’•๐’š. ๐‘ฉ๐’–๐’• ๐’Š๐’ ๐’‚๐’ ๐’‚๐’ˆ๐’† ๐’˜๐’‰๐’Š๐’„๐’‰ ๐’„๐’๐’Ž๐’‘๐’†๐’๐’๐’†๐’… ๐’‚ ๐’˜๐’๐’Ž๐’‚๐’ ๐’•๐’ ๐’“๐’†๐’Ž๐’‚๐’Š๐’ ๐’Š๐’ ๐’•๐’‰๐’† ๐’ƒ๐’‚๐’„๐’Œ๐’ˆ๐’“๐’๐’–๐’๐’…, ๐’•๐’‰๐’†๐’”๐’† ๐’’๐’–๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’Š๐’†๐’” ๐’˜๐’†๐’“๐’† ๐’๐’๐’• ๐’—๐’Š๐’“๐’•๐’–๐’†๐’” ๐’ƒ๐’๐’“๐’ ๐’๐’‡ ๐’Š๐’๐’•๐’†๐’“๐’Š๐’๐’“ ๐’”๐’•๐’“๐’†๐’๐’ˆ๐’•๐’‰โ€ฆ.๐‘จ๐’๐’ ๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’, ๐’•๐’‰๐’† ๐’„๐’‰๐’‚๐’“๐’‚๐’„๐’•๐’†๐’“ ๐’๐’‡ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚ ๐‘ช๐’๐’‚๐’“๐’‚ ๐’Š๐’” ๐’‡๐’‚๐’“ ๐’•๐’๐’ ๐’˜๐’†๐’‚๐’Œ ๐’•๐’ ๐’‹๐’–๐’”๐’•๐’Š๐’‡๐’š ๐’‰๐’†๐’“ ๐’ƒ๐’†๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‰๐’†๐’๐’… ๐’–๐’‘ ๐’‚๐’” ๐’•๐’‰๐’† ๐’Ž๐’๐’…๐’†๐’ ๐’‡๐’๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐’˜๐’๐’Ž๐’‚๐’ ๐’๐’‡ ๐’๐’–๐’“ ๐’„๐’๐’–๐’๐’•๐’“๐’š. ๐‘ฏ๐’†๐’“ ๐’๐’๐’š๐’‚๐’๐’•๐’š ๐’Š๐’” ๐’•๐’‰๐’† ๐’๐’๐’š๐’‚๐’๐’•๐’š ๐’๐’‡ ๐’•๐’‰๐’† ๐’—๐’‚๐’๐’’๐’–๐’Š๐’”๐’‰๐’†๐’… ๐’Š๐’ ๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’Š๐’•, ๐’‰๐’†๐’“ ๐’Ž๐’๐’…๐’†๐’”๐’•๐’š ๐’•๐’‰๐’† ๐’Ž๐’๐’…๐’Š๐’”๐’•๐’š ๐’๐’‡ ๐’•๐’‰๐’† ๐’•๐’Š๐’Ž๐’Š๐’…โ€ฆ. ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚ ๐‘ช๐’๐’‚๐’“๐’‚ ๐’˜๐’‚๐’” ๐’•๐’‰๐’† ๐’‡๐’๐’“๐’†๐’“๐’–๐’๐’๐’†๐’“ ๐’Š๐’ ๐’‡๐’Š๐’„๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’๐’‡ ๐’•๐’‰๐’‚๐’• ๐’˜๐’๐’Ž๐’‚๐’ ๐’˜๐’‰๐’, ๐’Š๐’ 1896, ๐’ƒ๐’†๐’•๐’“๐’‚๐’š๐’†๐’… ๐’•๐’‰๐’† ๐’”๐’†๐’„๐’“๐’†๐’• ๐’๐’‡ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’Š๐’‘๐’–๐’๐’‚๐’ ๐’•๐’ ๐’•๐’‰๐’† ๐’‘๐’“๐’Š๐’†๐’”๐’• ๐’๐’‡ ๐‘ป๐’๐’๐’…๐’. ๐’€๐’๐’– ๐’‡๐’Š๐’๐’… ๐’Š๐’ ๐’‰๐’†๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐’”๐’‚๐’Ž๐’† ๐’‡๐’†๐’†๐’ƒ๐’๐’†๐’๐’†๐’”๐’”, ๐’•๐’‰๐’† ๐’”๐’‚๐’Ž๐’† ๐’‰๐’†๐’๐’‘๐’๐’†๐’”๐’”๐’๐’†๐’”๐’”, ๐’•๐’‰๐’† ๐’”๐’‚๐’Ž๐’† ๐’‡๐’†๐’‚๐’“ โ€“ ๐’๐’๐’๐’† ๐’๐’‡ ๐’•๐’‰๐’† ๐’’๐’–๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’Š๐’†๐’” ๐’•๐’‰๐’‚๐’• ๐’˜๐’†๐’“๐’† ๐’‘๐’๐’”๐’”๐’†๐’”๐’”๐’†๐’… ๐’ƒ๐’š ๐‘ท๐’“๐’Š๐’๐’„๐’†๐’”๐’” ๐‘ผ๐’“๐’…๐’–๐’‹๐’‚ ๐’๐’‡ ๐’‚๐’๐’„๐’Š๐’†๐’๐’• ๐‘ท๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’”๐’Š๐’๐’‚๐’ ๐’๐’“ ๐’ƒ๐’š ๐‘ป๐’‚๐’๐’…๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’๐’“๐’‚ ๐’๐’‡ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘น๐’†๐’—๐’๐’๐’–๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’๐’“ ๐’ƒ๐’š ๐‘ป๐’†๐’๐’…๐’๐’“๐’‚ ๐‘จ๐’๐’๐’๐’›๐’, ๐‘น๐’Š๐’›๐’‚๐’โ€™๐’” ๐’๐’˜๐’ ๐’ƒ๐’“๐’‚๐’—๐’† ๐’‚๐’๐’… ๐’ˆ๐’‚๐’๐’๐’‚๐’๐’• ๐’Ž๐’๐’•๐’‰๐’†๐’“ (๐’”๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š ๐’Œ๐’‚๐’š ๐‘จ๐’๐’Ž๐’‚๐’“๐’Š๐’ 2009).

Maaaring pinagbatayan ni Lopez sa walang pakundangan niyang pagdungis sa pagkatao ni Maria Clara ang sumusunod na tagpo (maliban sa kahinhinan at kayumian nito): tinakasan ng ulirat ang dalaga nang gumuho ang ihuhugos na bato at inakalang nabagsakan ng bato si Ibarra; naging sunod-sunuran si Maria Clara sa ama nitong si Kapitan Tiyago at sa dikta ng ninong na si Padre Damaso (na siyang tunay niyang ama); pumayag ito na magpakasal kay Linares; ibinigay niya ang liham ni Ibarra kay Padre Salvi bilang kapalit sa dokumento na iniwan ng namatay niyang ina; at nagpasya siyang magmadre upang matakasan ang bigat ng suliranin.

Naging maanghang ang hinuha ni Lopez na ginamit lamang daw ni Rizal ang katauhan ni Maria Clara upang kutyain, kaawaan at hindi pamarisan. Kinasangkapan daw ang dalaga upang maging bukal ng mulat na kamalayan ng kababaihan. Dagdag pa niya, โ€œwe shall need a type of Filipino woman as unlike that of Maria Clara as possible โ€“ energetic, enterprising, progressive and with a mind of her own (Lopez para 14) .โ€

Sinupalpal ni Almario ang mababaw na pamumuna ni Lopez. Tiim niyang isinaad na kakikitaan si Maria Clara ng katatagan sa kabila ng kahinhinan nito. Binanggit niya ang tagpo nang gumuho ang ihuhugos ng bato. Nagsitakbuhan ang mga tao nang mabuwal ang mga nakatindig na materyales na pinagbitinan ng batong ihuhugos. Ang tanging naiwan lamang ay sina Padre Salvi (na mastermind ng trahedya) at si Maria Clara. Sa halip na himatayin, tulad ng estereotipong depiksiyon sa isang dalagang nasisindak, tiniyak nito ang kalagayan ng kasintahan na natatakpan ng makakapal na alikabok. Nang marinig ang tinig ni Ibarra, saka na ito tinakasan ng ulirat na bunga ng pagkagalak (Almario 2009). Maliban dito, maraming mga tagpo ang kakikitaan ng lakas ni Maria Clara bilang isang babae.

Una, nang hamakin ni Padre Damaso ang alaala ng ama ni Ibarra sa loob ng pamamahay nito, nasaid ang katiting na hibla ng pasensya ng binata. Muntik nitong tarakan ng kutsilyo ang prayle. Lahat ng mga naroon ay nagitla at hindi nakakilos maliban kay Maria Clara. Maagap na pinigilan ng dalaga ang kasintahan. Natauhan si Ibarra. Ipinapakita nito ang katatagan ng loob ni Maria Clara at ang kaagapan nito sa pagpapasya. Pinatunayan ng dalagang siya ay hindi isang pasibong tauhang nagpapatangay lang sa agos ng sandali.

Pangalawa, isinakripisyo niya ang sariling pag-ibig upang iligtas ang buhay ni Ibarra mula sa paniniil ng mga prayle. Ang pagpayag niyang magpakasal kay Linares ay hindi tanda ng kataksilan ni kahinaan. Salamin ito ng katibayan ng loob ni Maria Clara. Tinalikuran niya ang sariling kaligayahan para sa kaligtasan ng taong minamahal.

Pangatlo, iniligtas niya ang dangal ng ina, ama-amain (si Kapita Tiyago) at si Padre Damaso (ang tunay niyang ama). Ipinagpalit niya ang liham ni Ibarra kapalit ng liham ng ina upang maikubli ang lihim na kahihiyan ng tatlong magulang, bagaman hindi niya nabatid na kakasangkapanin ito upang bumigat ang aligasyon kay Ibarra kaugnay sa rebelyong gawa-gawa ni Padre Salvi.

Pang-apat, bago tuluyang tumakas si Ibarra sa lawa, nag-usap sila ni Maria Clara nang palihim sa asotea. Narito ang siping salin ni Almario (2009):

Kinabig ni Maria Clara ang ulo ng binata, ulit-ulit na hinagkan ang mgalabi, niyapos at pagkatapos, pabiglang itinulak.

โ€œTumakas ka, tumakas ka!โ€ aniya sa binata. โ€œTumakas ka, paalam!โ€

Kinabig ni Maria Clara ang ulo ni Ibarra upang halikan sa labi. Paulit-ulit hinalikan ang binata. Hindi ito gawain ng isang estereotipong babae sa panahon ni Rizal. Kapansin-pansin ang tuliyang pagkalas ni Maria Clara sa idinikta sa kaniya ng lipunan โ€“ ang maging mahinhin at mahiyain. Naging mapangahas ang dalaga sa kasidhian ng kaniyang pagmamahal sa binata. Wala siyang takot na mahusgahan ni magkasala sa mata ng Diyos. Nabuksan na ang kaniyang kamalayan, walang kapangyarihan ang Diyos sa lupa dahil sa mga taong nag-aastang Diyos.

At panghuli, nang marinig niyang namatay sa pamamaril sa lawa ang kasintahan (kahit si Elias ang totoong nabaril), tumanggi siyang magpakasal kay Linares. Aanhin pa ang kaniyang pagsasakripisyo kung patay na ang taong ibig niyang protektahan? Sa halip, pinaalam niya kay Padre Damaso na ibig niyang maging madre. Tinakot niya ang prayle na kikitlin ang sariling buhay kung hindi igagaling ang sariling pasya. Napilitan ang prayle na payagan siya sa kabila ng panganib na dala ng kumbento. Ang bahaging ito ng kabanata ay isang malaking tagumpay sa karakter ni Maria Clara. Natagpuan niya ang sariling kalayaan. Tumanggi siyang kontrolin ng iba ang kaniyang sariling buhay. Inari niya ang sariling kapalaran. Nagpasya para sa kaniyang sarili.

Maaaring naging mahina nga si Maria Clara sa simula, isang babaeng lumaki sa beateryo, puspos ng karangyaan at pagmamahal, at dayuhan sa sariling bayan. Ngunit, natuklasan niya sa bandang huli ang kaniyang taglay na lakas bilang isang babae โ€“ ang maging malaya mula sa tanikala ng lipunang bumura ng kaniyang identidad, ang angkinin ang sariling kapalaran, tumindig nang matuwid sa sariling paninindigan at protektahan ang sarili mula sa mapaniil na lipunan. Hindi siya isang manikang de susi. Isa siyang bayani. Tinibag niya ang matayog na moog ng pamantayang pangkasarian sa kaniyang kapanahunan. Pinatunyan niyang hindi siya isang โ€˜babae langโ€™. BABAE SIYA. Siya si Prinsesa Urduja ng Pangasinan, si Melchora Aquino ng revolusyon.

Kaya kung may magtanong kung sino si Maria Clara, ituro mo ang nanay mo, ang ate, ang lola, isali mo na rin ang mga tindera sa palengkeng panay tawag saโ€™yo ng pogi kahit mukha ka namang palaka, ang teacher mong nag-aalboroto dahil napagkamalan mong buntis, at ang kapitbahay mong kahit kabubukangliwayway pa lang ay nagtatakipsilim na ang kilikili. Dahil si Maria Clara ay hindi si Maria Clara, siya ay larawan ng isang MODERNANG PILIPINA.

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป:

Almario, V. S. (2009). Si Rizal: Nobelista (Pagbasa sa Noli at Fili Bilang Nobela). Quezon City: The University of the Philippines Press.

De Castro, M. (2005). Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza. Retrieved from: https://www.gutenberg.org/files/15980/15980-h/15980-h.htm...

Lopez, S. P. (1968). Maria Clara โ€“ Paragon or Caricature?. In B. N. Petronilo and D. Ferin (Eds). Rizal: Contrary Essays. Quezon City: Guro Books.

Reyes, Solidad.(1992). Kristisismo: Mga Teoriya at Antolohiya para sa Epektibong Pagtuturo ng Panitikan. Metro Manila: Anvil Publishing Inc: 1992.

Wright, M. T. (2004). Rulebook Women. Manila: De La Salle University Press, Inc.

maria clara

 

2021 National Women's Month Celebration

online forum series natl womens month600px